Sunday, November 6, 2016

Kalikasa'y Pangalagaan



Pangalagaan natin ang ating likas na yaman. Kailangan natin ang likas na yaman para tayo ay mabuhay sa mundong ito. Marami sa atin ay hindi sanay sa pangangalaga sa mga likas na yaman kaya madali itong napabayaan. Ngayon, ibabahagi namin sa inyo ang maaari niyong gawin upang mapangalagaan ang mga ito. Pinakauna, huwag mag-aksaya ng tubig dahil napakahalaga nito sa pang-araw-araw na pamumuhay. Sunod ay magtanim tayo ng mga puno’t halaman hangga’t maaari. Maraming mga tao o kumpanya ang pumuputol ng mga puno sa mga kagubatan para sa kanilang negosyo tulad ng paggawa ng produktong papel. Kaya dapat matigi na ito! At ang pinakahuli ay ang muling paggamit ng mga basurang may silbi pa tulad ng bote, karton at papel. Imbes na itapon, pwede natin itong gawing magagandang palamuti sa bahay o kaya mga gamit pambahay. Kailangan bawasan natin ang ating mga basura. Tayo na at pangalagaan ang ating mga likas na yaman! Bilang isang mag-aaral, kailangan nating pangalagaaan ang mga likas na yaman sa Pilipinas. Hinihikayat ko kayong lahat na gamitin ng tama ang ating mga likas na yaman Dahil ung mauubusan tayo ng mga ito, hinsi ito sapat para sa ating pangangailangan. Hangaat may oras para pangalagaan ang ating mga likas na yaman, dapat nang kuilos agad para tumagal pa ito hanggang sa susunod na henerasyon.


No comments:

Post a Comment